“Tuloy po kayo sa amin.”
Source: https://www.facebook.com/GraviTea2020

1. Gravitea opened during the surge of this pandemic era.

     Isa sa mga nakakabilib sa kanya ay ang pagbubukas ng negosyo na ito nung kasagsagan ng pandemic. Nagbukas sila para magbigay ng serbisyo sa publiko noong October 31, 2020. Sa panahong nagtataasan ang mga covid positive cases na halos palagian mo nang naririnig ang tunog ng mga ambulansya sa labas sa bawat araw na para bang official background sound na sa aming lugar,at napupuno na ang mga ospital pati na rin ang mga nasasawi dito, kasama na dyan ang pagsasarado ng iba’t-ibang mga establisimiento at pagtatanggal ng mga manggagawa ng mga ito, pinili nya pa ring sumugal, magbigay-trabaho sa mga tao at maghain ng masasarap na pagkain at iba’t-ibang inumin para sa mga customers nya. Hawak ang kanilang pangarap at adhikain o intensyong makapagpasaya ng mga tao sa aming pamayanan, sumugod sila sa bakbakan upang maiba-iba ang vibe sa aming paligid, na hindi parating masama ang mga nangyayari. May mga magaganda’t masasaya pa rin na para bang pinapaalalahanan kaming lahat na hindi nawawala ang pag-asa naming para kami ay sumaya. Hangad nila na ang kanilang lugar ay maging tagpuan ng mga tao para mapanumbalik ang kanilang sigla sa madilim na yugto ng ating kasaysayan, sa pamamagitan ng kanilang mga produkto nang sa ganun ay mapakalma at makapagbigay-bwelo sa mga customers nito habang sila ay naririto, bago pa man sila bumalik sa kani-kanilang laban sa buhay. 

     Sa mga negosyong katulad nila, iisa ang salitang naiisip ko. Ito ay ang “coROnaMANTIC”. Masyadong malaki ang pagpapahalaga natin ngayon sa mga algorithms, nagiging data-centric ang mga tao at puro na lang bottomline ang iniisip ng karamihan kapag nagbubukas ng negosyo, pero kung dun lang nakatuon ang pag-iisip mo, hindi mo pipiliing simulan ang negosyo mo. Alam nila na may pamayanan na nangangailangang mabaling ang pinagtutuunan nila ng pansin. Sa panahon ng pandemic, hindi lang puro lungkot at pagkasawi ang dapat nating maramdaman. Kailangan hanapin pa rin natin na may mga lugar pa rin na nagbibigay-ganda, nagpapalakas muli sa atin at nagdudulot pa rin ng saya kaya sapat na itong dahilan para mabuhay. Ito ang pinipili nilang landas araw-araw, sa kabila ng mga nag-uulanang suliranin sa panahon ngayon. Hindi lang ito hanapbuhay para sa kanila. Higit na gusto rin nila na madagdagan ka ng mga dahilan para ipagpatuloy ang buhay mo, kahit gaano pa kahirap ito. 

     Bilang suki na nila, hindi ko kayang ilarawan lahat ang pakiramdam ko nang ganito lang. Mas makakabuti siguro kung ipakita ko na lang ang mga ito sa inyo. 

Wonder Woman or Diana’s combat in the No Man’s Land
Source: Wonder Woman (2017 film)

     Nagpapasalamat ako na nakilala ko si Tita Marivic, ang may-ari ng cafe na ito na isa ring babae na katulad ko. Hinahangaan ko ang tapang nya sa suungin ang panahon ngayon at magbigay serbisyo sa mga tao. Naaalala ko nung una ko syang nakita, hindi ko inakala na sya pala yung may-ari kasi hands-on din syang asikasuhin ako at tanungin hindi lang ang order ko pati na rin ang kumustahin ako. Na-discover ko lang sila matapos mamaalam si Papa noong 2021 kaya hindi ko mapigilang hindi ilabas yung sakit na nararamdaman ko noon. Kapag lunch breaks kasi, ayaw kong manatili sa bahay since naka-online work ako kasi mas naaalala ko si Papa. Pinipili kong maging sobrang busy at kung nababakante na ako ng gawain, ginugusto ko talagang lumabas muna. 

     Hindi ko makakalimutan yung sinabi nya sa akin na, “Sa ngayon lang yan na puro ka parati iyak, pero malalagpasan mo din yan. Iiyak mo lang yan kasi pagkatapos nyan, dyan ka na unti-unting lalakas at magkakatapang.” Totoo rin pala na ang binabalikan mo ay hindi lang yung inumin at pagkain na hinahain ng mga restaurants at café shops kasi marami naman din dyang halos katulad din nila ang produkto. Mas babalikan mo yung mga tao sa mga ito na nagpapakita sayo ng pagmamalasakit. 

     I remember this film. Again, I love movies because they give you another tool or agency to express yourself or better yet, allow people to understand you or empathize with you kasi who knows, we might be experiencing the same thing or we might be riding the same boat of our lives. Be my guest! Inasmuch as I want you to enjoy my company, sana rin may mapulot kang skill sa akin na when applied, talagang makakatulong sayo. 

Source: Passengers (2016 film)
Arthur (the Android): Jim, these are not robot questions but I’m here for you.
Jim Preston: Arthur, you’re a machine. (Jim started poking Arthur.) See? You can’t feel that. You don’t have feelings. (Jim slapped Arthur but only get hurt in return.) See? That doesn’t hurt. You don’t even mind. ‘Cause you’re not a person.

     Sa tingin ko, wala pa rin talagang makakapalit sa human interaction kahit maglipana pa ang sandamakmak na apps sa mundo natin ngayon. Iba pa rin yung pakiramdam na hindi lang nakikinig sayo yung taong kausap mo pero naiintindihan nya rin yung pakiramdam nun. May nabasa akong news na marami ng robot-operated restaurants sa Japan. Although this is very impressive, pero hahanapin mo pa rin ay tao na makakausap mo. Yung hindi lang magsasabi ng, “You’re not alone” or “I understand you” and even “I know what it feels like” for the sake of consoling you. Ayaw ko ng ganun. Ayaw ko nung mema lang o mema-sabi lang. Ayaw ko rin yung tunog na parang naka-script. These should not be empty statements. These should be substantive enough because people really mean what they say because it happened to them at one point of their lives, probably in a different version.

2. Gravitea is a safe haven for me to calm down & to re-focus with the tasks at hand. Their wifi is also helping me produce outputs when my expensive fiber internet provider is failing me. It comes free with my ordered meals.

“Me: My patience is running out of stocks. You’re asking too much already!”
Source: Spider-Man: No Way Home (2021 film)

     Minsan, mabilis makalimot ang mga tao na kagagaling mo lang sa sakit o kagagaling mo lang sa pighati mula sa pamamaalam ng isa sa mga magulang mo. Kumbaga, I’m half-way there sa pagiging ulila pero dahil mas madalas kong kasama ang Papa ko sa bawat araw, hindi kalahati ang nawala sa akin. Pakiramdam ko isang buo ito. Hindi ka naman nanglilimos ng awa. Ang gusto mo lang din ay ipa-intindi sa kanila na hindi ka pa nakakarating sa fully-functioning stage. Ayaw ko rin kasing umuulit ng trabaho. Mahalaga ang oras para sa akin kaya hindi rin tama na naaaksaya ito sa mga revisions dahil lang sa pinilit mong magproduce ng output. Yun nga lang, hindi mo rin maaalis yun sa mga kliyente mo o sa boss mo dahil the business or the work itself must go on. Nababalot na rin kasi ng takot ang karamihan at ayaw na rin nilang sumadsad pa ang generated income sa bawat araw kaya kadalasan, ikaw na lang din ang iintindi. It’s also good to note na may reliable wifi sila na available para sa katulad ko na minsan nagpuputol-putol yung internet connection ko. 

Source: Doctor Strange in the Multiverse of Madness (2022 film)

     Minsan, nagiging extra mile na rin yang pag-iintindi na yan na tipong hanggang sa pagtulog, napapanaginipan mo ang mga dapat mong ipasang trabaho. Mabuti nga kung nananaginip ako, pero may mga pagkakataon na parang bangungot na yung pakiramdam. Kaya sa pagising mo, instead na umpisahan mo ang araw mo sa pagkakape, e kaharap mo na agad ang laptop mo. Minsan na nga, hindi na ako makausap nang maayos ni Jhois. Sa bawat tanong nya, ang sagot ko ay ang clickety-clack na tunog na nanggagaling sa keyboard ko. Work stress is real. Work stress ng mga covid survivors is even bigger than the word “real” itself. Never ito naging madali para sa akin pero laban lang.  

     Ito ang dahilan kung bakit malaking bagay na naiiba rin ang environment ko. Kapag hindi ko mahanap yung bliss na yun within me, hahanap talaga ako ng lugar na may taglay nang ganung pakiramdam. I’m energy-sensitive at sa tingin ko lahat naman tayo. Kaya nga yung iba dumidiretso sa nearest park o mall o kung kapitbahay mo lang ang beach e di, go kasi kailangan mong kumalma para makapagfocus. Naalala ko bigla yung isang movie scene na ito and I think you can recall this, too.

Source: X-Men First Class (2011 film)

     I can relate with this scene kasi ang daming bagay na pwede mong kainisan sa panahon ngayon. Hindi ka talaga mauubusan, lalo na kung masusi mong hahanapin at iisa-isahin lahat ng mga yun. Yun nga lang, kapag na-overempower ka na ng galit mo as your energy source or fuel, kadalasan nawawalan ka na ng momentum. Hindi mo na “ma-engine start” ulit yung brain mo. Totoo yung dahil sa galit, kaya mong mag-black out at hindi mo na kayang mag-isip pa, you’d go for your instincts or instinctual reaction and it’s rarely good. I don’t think din na dun sa emotion na yun ikaw kukuha ng energy to deal with your tasks. Kalimitan at unconsciously, pwede kang makapanakit dahil may undertone ang galit o anger ng sense of revenge. 

     Naalala ko nun sa isa sa mga hotels na pinagtrabahuhan ko dati. Sa Back Office meron silang Free Standing PunchBag so kapag may mga nakakainis na guests sa reception or front desk area na talaga naman papakyawin lahat ng stocks ng pasensya mo, pumupunta yung mga Front Office Agents sa room na yun to release their anger. Sa bawat pagsuntok nila sa punchbag na yun, nailalabas nila yung galit nila. Of course, they wear protective boxing gloves as well. Energy pa rin ang galit natin. Hindi mo ito pwedeng itago o kimkimin kasi pwede kang magkasakit dahil dito. Sa galit, may mas appropriate na avenues para ilabas ito. My channel of choice is through running or swimming, whichever is readily available. Hindi tama na dito tayo sa galit kukuha ng energy to keep going. I don’t think we want to be monsters. For the past years since this pandemic began, people from all walks of life have already suffered enough. Prayer ko na lang na hindi ako dumagdag sa suffering ng iba. With this being said, I must also be willing to witness the suffering around me without paralyzing me. Balance pa din. We need that in the name of self-preservation kasi kung hindi, papaano ko pa matutulungan ang sarili ko at ganun din ang ibang tao. 

     Siguro, ang pwede kong i-edit sa quote na ito is yung portion na, I’m aiming for serenity or calmness. If I were to redo this (young) Charles Xavier’s quote, it’s more of: “True focus lies somewhere between rage and joy.” I cannot focus din kung kinikilig ako sa tuwa o ang saya-saya ko masyado. Balance pa din. I cannot emphasize enough kung gaano ito kahalaga. Sa tuwing sobrang saya ko, napupunta ako sa “idealistic multiverse” na para bang nothing will ever go wrong sa plano ko for the day. Mahirap ito kasi dapat lapat pa rin ang mga paa ko sa mundo ng realism dahil if things won’t go as planned, sobrang sakit nung feeling of disappointment kasi nagdecide ako mula sa aking sky high idealism. Ayaw ko rin mag-overpromise. Tripleng sakit sa akin kapag hindi ko nagagawa based sa deadline just because nangako ako nung sobrang saya ko na kaya kong tapusin yung task ko in 8 hours. A setting or venue like Gravitea gives me a feeling of neutrality. It keeps me objective to complete tasks by acknowledging din my limitations no matter how outrageously enthusiastic I am to handle those.

3. Gravitea is like my time capsule to feel Papa’s presence. 

Source: Harry Potter and the Sorcerer’s Stone (2001 film)

     Nung natikman ko yung Sinigang nila sa Miso using Salmon Head, I feel like it’s my late father’s cooking kasi magkalasang-magkalasa sila. Parang hindi galing sa kusina nila pero galing sa kusina ng Tatay ko. Love language na kasi ng late father ko ang pagluluto. Yung mga lutuin nya ang isa sa mga namimiss ko sa kanya. Kaya sa tuwing umoorder ako nito, pakiramdam ko bumabalik ako dun sa time ng buhay ko na pinagluluto ako ng father ko. Kahit gaano pa ka-hectic or nakakairita ang araw ko, kapag nakapaglunch na ako sa kanila, napapasaya at napapakalma na nila ako nang husto. 

“My order for lunch: Sinigang sa Miso (Salmon Head; Php120) with Rice (Php15) 
and Green Apple Iced Drink (Php59)”

At the end of the day, I always wish that we have more years ahead of us so we can create more good memories together.

4. Gravitea’s value meals and short orders are so much better than any fastfood restaurants, especially for students and employees alike. Gravitea is also a place where you can celebrate your wins!

     I always remind Jhois, pati na rin mga kapamilya ko’t mga kaibigan na food is medicine. We cannot contest or oppose this fact. Karamihan ng mga sakit na nararamdaman natin, bago ito manggaling sa mga alam nating bisyo tulad ng paninigarilyo’t pag-iinom ng alak e nanggagaling muna sa kalidad ng mga kinakain natin. Malaking bagay na sa panahon ngayon na protektahan natin ang ating kalusugan kasi we are all just one sickness away from poverty. Sa pagkain din natin nakukuha yung tamang nutrients para makatulong sa neuroplasticity ng brain natin (sorry naman kung geeky but this is so true lalo na sa mga covid survivors na nagka-brain fog) na syang nakakatulong to bridge learning gaps, comprehend and most importantly, to remember and apply those new learnings to our daily lives. Marami kang dishes na pwedeng pagpilian. Ito ang kanilang lineup for their value meals:

Value Meal: Boneless Bangus (Php69)
Value Meal: Sizzling Sisig (Php69)
Value Meal: Tapa (Php89)
Value Meal: Sizzling Pusit (Php89)

    Nagdagdag pa din sila sa mga pwede mong pagpilian na dishes katulad ng Chicken Meal (Php89) at ng Pork Chop Meal (Php89).

     Aside pa dyan, meron pa silang lineup of short orders na ready nang ihain sa mga handaang pang-maramihan. Kung may event ka or gusto mong mag-celebrate dito during special occasions like birthdays, anniversaries, career promotions, etc, mas maganda kung mag-advance order ka na for that particular date. In this way, mare-reserve nila yung lugar na yun para sayo at sa mga darating mo pang mga bisita. Ito yung mga short order dishes na pwede mong pagpilian:

Special Bulalo (Php250)
“Paborito ito ni Jhois lalo na sa nag-uulanang mga araw.”
Buttered Shrimp (Php180)
Fried Tofu with Mushroom (Php120)
Sinigang sa Miso (Salmon Head) worth Php120

5. Gravitea is where I also do meet-ups for my side hustles. Their product lineups together with the ambient feeling of their place are what attract people to stay and to keep coming back for more. 

Source: Taylor Swift’s Cardigan Music Video (released in July 2020)

     Kung meron mang dominant vibe ang pandemic and post-pandemic era, ito ay ang pagiging overwhelmed sa dami ng mga gusto mong gawin. Hindi naman ito pagiging masochistic sa sarili o trip-trip mo lang maging capitalistic. Actually, yung mga kapitalista nga ang nagsasabi ng, “Money doesn’t give you happiness.”, pero sila itong over and beyong ang mga properties or businesses under their name pero wala pa ring pakundangang nagtatanggal ng mga tao nang ganun lang kadali kapalit nung apologist na endorser. Bilang isang simpleng mamamayan, ang goal mo lang din naman is to achieve a certain level of financial ease lalo na kung gulatin ka ulit ng iba’t-ibang version of unpredictability, meron at meron ka pa din mabubunot na pang-gastos kahit papaano. Also, if our dream is to become financially stable and comfortable not only for ourselves but for our families and communities, too – as long as we don’t corrupt ourselves in the process or inflict harm against others just so we can achieve this, there should be no shame in achieving this. This is safe to say na pandemic era is an official hustle era. 

     Sa Gravitea ko rin usually ginagawa yung mga meet-ups ko to discuss products that can add value to my customers’ lives. Sa susunod na mga posts ko na siguro i-discuss kung anu-ano nga ba ang mga produkto na ito. Karaniwan, ito ang ino-order ko kapag hinihintay ko sila.

Matcha Lemonade (Php59) and Quarter Pounder Burger (Php50)

     May homey and cozy feeling na nabibigay si Gravitea kaya gusto ko dito gawin yung mga meet-ups and meetings ko. Moreover, gusto rin ng ka-meeting ko ang lineup ng kanilang mga snacks and refreshments. 

(from left to right) Ice Coffee Espresso Base: Americano (Php75), 
Caramel Macchiato (Php85) & Choco Hazelnut (Php85)
Milktea Series with Free Pearls
“You can choose different flavors from their wide array of selections!”
Red Velvet, Wintermelon, Dark Chocolate, Taro, Okinawa, Hokkaido, 
Cookies and Cream, Matcha, etcetera (prices range from Php69 for medium-sized 
and Php79 for large-sized)
Creamcheese Series with Free Pearls (Php109)
Frappe Series (Php59): Frappucino), Caramel Macchiato, Mocha & Americano

     Sinasabayan din ng snacks ang mga inumin na ito na paborito ding orderin nga mga kasama ko’t ka-meeting ko. 

Nachos (Php50) and French Fries (Php50)

     These food and refreshments will always be something to live for. I don’t want to deprive myself of the pleasure in this life. I’ve gone through the tough times and survived. Why would I not celebrate myself in simple means by indulging to this experience of delight and satisfaction? I owe myself that. I celebrate myself for not giving up. 

Bonus Reason: Gravitea is my chill spot for my chill time. This moment of in-between is as crucial as my meal time and my fasting time.

“What I look like when I chill at Gravitea”
Source: Musa in Fate: The Winx Saga (2021 TV Series)
“What I actually feel like and what is really happening that no one sees”
Source: Bloom in Fate: The Winx Saga (2021 TV Series)

     Hindi ko alam kung saan ba nag-originate ang term na “chill time” pero it could have been during the emergence of coffee shops, particularly a known brand which is Starbucks. I’m not also quite sure kung ito ba ang isa sa mga strong habits ng mga millennials kasi people from other generations could simply link this as their coffee session or tea time. Siguro sa panahon ngayon, bilang isang millennial and an ambivert (Kahit na for most people, they label me as a hardcore introvert. Trust me, I know myself better than you do.), hindi lang ako nakadepende sa iniinom pero malaking bagay sa akin ang production set or total ambient feeling ng lugar: from visuals, scent, availability of a white noise and the crowds that respect your space as they share it with you. Chill time is sacred for me.

     Ito yung binibigay sa akin ni Gravitea. Chill time allows me to reflect the day that had passed and recharge my energy back. Why wait for the weekend to do the reset if I can do it before my day ends? I understand why couples or families after a hard day’s work e very irritable or easily-angered kasi yun yung effect ng sobrang pagod. It’s like the mind is screaming for a space to defragment files para hindi nagkakaron ng buffering or glitch-ing, if you know what I mean. This little space in between is so important in emptying our minds of the worries for the day and let ourselves be at peace with it. I surrender to the limitations of my day but also recognize my confidence and faith that I get to live another day to complete this unfinished work. Chill time gives me space to put my heart at its rightful place that to continue doing the work should not be out of fear, but out of an inspired heart. Only through this portal can I ever see more possibilities that I can tap despite all the adversities around us.

     Feel free to visit this place. It’s in Barangay Parang Marikina. You can also take-out your orders if you wish to feast on their products while watching your favorite K-drama, series or movies. Whatever gives you this joy for simply being alive (as long as it doesn’t hurt anyone), do it. 


May you find more reasons to be alive. May you keep celebrating your life.
5 1 vote
Article Rating

Related Posts

Categories: Reviews

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x